✊️Pinoy MMA Fans DINAMAY! Jarred Brooks, DUDURUGIN daw si ONE Strawweight Champ Joshua Pacio!

  • 2022.11.07
  • ONE
✊️Pinoy MMA Fans DINAMAY! Jarred Brooks, DUDURUGIN daw si ONE Strawweight Champ Joshua Pacio!

POTEK! Kami pa TINAKOT mo!

Jarred “The Monkey God” Brooks nagbigay ng babala sa current ONE Strawweight champion!
Tatapusin daw ni Brooks ang ating kababayan sa oras na magharap sila sa darating na December 3 sa Mall of Asia arena.
Ang tanong, magagawa kayang agawin ni Brooks ang kampeonato ni Pacio o tuluyang ikukulong ni Pacio sa hawla ang Hari ng mga Unggoy.
Yan ang pag-uusapan natin sa Bakal MMA!
Pero kung bago ka pa lang sa aking channel – I click mo na ang subscribe button at ang notification bell para updated ka sa mga MMA news.
Kahit na mahigit ng 3 taong naghahari sa 56.7 kilogram weight class ng ONE Championship, ang ating kababayang si Joshua Pacio, nailagay pa ding DEHADO ang ating pambato kontra sa beteranong si Jarred Brooks.
Marahil, nasisilip ng mga MMA experts ang pagiging inactive ni Joshua Pacio sa cage sa loob ng 435 days.
Nakatakda sanang magharap ang dalawa noong June sa Singapore kaso naudlot.
Pero sa wakas, tuloy na tuloy na din ang bakbakan ng mga magigiting na mandirigma sa darating na Disymbre a tress a Mall of Asia Arena in Pasay City bilang main event ng ONE 164.
Sa interview kay Brooks ni Tom Taylor ng South China Morning Post, mataas ang tiwala ng 29 anyos na Amerikano na maagaw niya ang titulo kay Pacio.
MAbigat ang sinabi ni Brooks na tatapusin niya si Pacio sa loob lamang ng first round.
Ipinagyabang din ni Brooks ang kalibre niya sa wrestling. At kung sa tingin daw ng Team Lakay na may nakuha silang wrestling training partner para kay Pacio, sigurado daw na milya-milya ang layo ng lebel ng expertise kay Brooks lalong lalo na sa jiu jitsu.
Ang matindi pa dito mga idol – kinol-out pa ni Brooks ang mga pinoy mma fans ng sabihing PATUTULUGIN niya daw ang ating pambato.
Well, kung experience ang pag-uusapan e, hindi naman nagkakalayo ang record ng dalawa.
Si Jarred Brooks ay may MMA record na 19 wins with 2 losses.
Lumaban ng 4 na beses si Brooks sa UFC kung saan nakuha niya ang dalawang talo. Lumaban ng isang beses sa Bellator bago sumampa sa ONE Championship noong October 2021.
As sa loob lamang ng 6 na buwan – kumubra agad ng 3 sunod-sunod na panalo si Brooks. Dalawa via submission at isang unanimous decision – earning his way to become the number 1 challenger sa title ni Pacio,
Si Joshua Pacio naman ay may kartadang 19 wins with 3 losses. After winning his 8th consecutive MMA fights, sumampa si Pacio at naipanalo ang unang laban sa ONE Championship noong April 15, 2016.
After 3 eventful years, Pacio captured the ONE Srawweight belt matapos tuhurin sa ulo si Yosuke Saruta sa 4th round ng kanilang rematch.
At ng makuha ang kampeonato – hindi na binitawan ni Pacio ang titulo ng depensahan ito ng tatlong beses.

Simple lang ang sagot ni Pacio sa mga banat ni Brooks,
Hindi na daw bago ang pinagsasabi ni Brooks. MAtagal na daw sa ganitong trabaho si Pacio para patulan ang mga patutsada ng Amerikano.
Mind Games lang daw ang ginagawa ni Brooks.
NIrerestpeto naman ni Pacio ang pagiging high-level wrestler ng Amerikano kaso wala pa daw nakakalaban si Brooks na tulad ng ating pambato.
Kahit na dehado – bibit ni Joshua Pacio ang puso, fighting spirit, kalidad ng pag-eensayo at ang pagiging positibo na mananalo sa laban.

#bakalMMA #paciovsbrooks #ONE164

ONEカテゴリの最新記事